Ito ang podcast para sa mga hindi kilala na patuloy na nakikipagsapalaran, sa larong tinatawag nating buhay. Pakinggan ang kwento ng kanilang buhay. Hindi mo kailangan maging sikat, para marinig ka. Eto'y para sa mga hindi sikat, pero araw-araw na sinasalubong ang sikat ng araw ng may pag-asa.
S01E10 Hindi Biro ang Pagtuturo Ika nga ng Bawat Guro
Andito nanaman tayo sa panibagong kabanata kasama si Teacher Cel. Upang kanyang ibahagi ang ilan sa kanyang karanasan at kung paano siya napunta sa propesyong pagtuturo ng bata. Inyong pakinggan at panuorin ang kanyang kwento na sumasalamin din sa karamihang nararanasan ng ating mga guro lalo na sa mga pre-school teachers. Ika nga nila hindi biro ang pagtuturo lalo na kung bata ang iyong tinuturuan.
#SinokaSinukaSinuSino
#IpakilalaMoKungSinoKa
#TatlongSIno
03/10/2020 • 1 heure, 28 minutes, 7 secondes
S01E09 Rommeld Santos: Ako Bilang Guro at Ang Wikang Aking Itinuturo
Eto na ang part 2 ng aming pag-uusap kasama si Ginoong Rommeld Santos. Alam naman nating hindi sasapat ang isang episode lamang, pagka't maraming bagay ang dapat mapag-usapan patungkol sa kanyang buhay, sa pagiging guro, at sa ating wika. Kaya kung kayo'y nabitin halina't muling manood, makinig, at matuto!
#IpakilalaMoKungSinoKa
#SinoGang
#MaligayangBuwanNgMgaGuro
20/09/2020 • 1 heure, 10 minutes, 42 secondes
S01E08 Rommeld Santos: Ako Bilang Guro at Ang Wikang Aking Itinuturo.
Tayo'y nabiyayaan ng presensya ni Ginoong Rommeld Santos na isang guro sa asignaturang Filipiino. Kanyang ibabahagi ang ilan sa kanyang mga kaalaman at ilang mga kuwentong kanyang mismong naranasan o nasaksihan na maaring kapupulutan ng aral. Ano nga ba ang mga pagsubok ang nararanasan ng isang guro sa panahon ngayon? at anu nga ba ang importansya ng ating sariling wika sa panahong ito at sa mga susunod na panahon. Halika! sumama ka, sabay natin alamin ang kwento niya!
#IpakilalaMoKungSinoKa
#SinoGang
#HappyTeachersMonth
13/09/2020 • 1 heure, 11 minutes, 33 secondes
S01E07 Verlin Santos: Sigya sa Panahon ng Pandemya
Sa haba ng quarantine na ito, ikaw ba'y napatanong tanong sa sarili mo kung sino ka nga bang talaga? simpleng tanong na maaring may simpleng sagot o kaya naman may malalim na kasagutan.
Narito ngayon si Verlin Santos para kanyang ibahagi ang iillan sa kanyang kuwento/istorya patungkol sa kanyang buhay manunulat, lider ng Titik Poetry, at bilang isang Pilipino. Halikayo't makinig at matuto sa estoryang hindi pa tapos pagka't malayo pa ang kanyang lalakbayin.
Kung nais mong magbigay ng reaksyon o may nais kang ibahagi maari mong i-send yan sa aming fb page na Sino ka? Sinuka! at Sino-sinu?
"Huwag mong hayaang idikta ng ibang tao kung sino ka!"
#IpakilalaMoKungSinoKa
#SinoKaSinukaSinoSinu
16/08/2020 • 1 heure, 23 minutes, 57 secondes
S01E06May Bagong Ako sa Bawat Yugto ng Aking Buhay
Hindi lahat ay naituturo sa paaralan kaya't darating ang panahon na kung saan haharapin natin ang tunay na mundo sa labas ng eskwela. Iba iba ang nararanasan ng bawat tao, mayron tayong kanya kanyang kwento, at ang bawat karanasan at kwentong ito ay paniguradong may aral na hindi natatalakay sa eskwela. Kaya eto muling nagbabalik si Celina Chan upang ibahagi ang kanyang kwento.
"Huwag mong hayaang idikta ng ibang tao kung sino ka!"
#IpakilalaMoKungSinoKa
#SinoKaSinukaSinoSinu
02/08/2020 • 1 heure, 35 minutes, 39 secondes
S01E05 May Bagong Ako, sa Bawat Yugto ng Aking Buhay.
Sabi nga nila "walang permanenteng bagay sa mundo, maliban sa pagbabago." Ikaw ba'y naniniwala rito? o naniniwala kang may mga bagay na nanatiling hindi nagbabago? Kaya eto, ibabahagi ng ating panauhin na si "Celina Chan" ang kanyang karanasan sa buhay, mga pagbabago, at mga bagay na nanatiling ganun pa rin.
"Huwag mong hayaang idikta ng ibang tao kung sino ka!"
#IpakilalaMoKungSinoKa
#SinoKaSinukaSinoSinu
21/07/2020 • 1 heure, 15 minutes, 24 secondes
S01E04 May Rap sa PangaRap Pt. 2
Muling nagbabalik ang aking kababatang si John Lumbao upang ipagpatuloy ang naudlot na kwento ng kanyang buhay! Kanyang ibabahagi ang kanyang mga ginawa para mapagbuti niya ang kanyang sarili sa larangan ng pagrarap at pagkanta, at kanya ring ipakikilala ang mga taong nakasama niya sa paglalakbay na ito!
#SinoKaSinukaSinosinu
#IpakilalaMoKungSinoKa
Kung kayo ay may mga katanungan, request, o nais ibahagi wag mag atubiling i-mensahe kami sa aming FB page na "Sino ka, Sinuka, at Sino-sinu?"
12/07/2020 • 50 minutes, 4 secondes
S01E03 May Rap sa PangaRap pt.1
Gusto mo bang marinig ang kwento ng isang nangangarap sa larangan ng pagrarap at pagkanta? Kung Oo, eto ang tamang episode para sa iyo. Ang storyang iyong maririnig ay tatalakay sa kanyang paglalakbay para masagot ang ilan sa mga katanungan niya sa buhay, tulad na lang ng ano ang kaya mong ibigay para sa iyong pangarap? ano ang kaya mong isuko para sa iyong pangarap? gaano ka kaseryoso sa iyong pangarap? Ilan lamang ito sa mga bagay na naibahagi ni John Lumbao.
"Patuloy kang mangarap sa hirap at ginhawa."
#SinoKa?Sinuka!Sino-sinu?
#IpakilalaMoAngSariliMo
05/07/2020 • 42 minutes, 2 secondes
S1E2 Ang Utol kong nars part 2
Heto ay hango sa totoong buhay at karanasan ng aking kapatid. Ito'y sumasalamin sa kanyang katotohanan na maaring nararanasan niyo rin. Halikayo't makinig at matuto sa kwento ng kanyang pakikipagsapalaran sa buhay! Ang bawat tao ay may kanya kanyang kwento na naghihintay marinig.
28/06/2020 • 1 heure, 11 minutes, 43 secondes
S1E1 Ang Utol Kong Nars
Halikayo't makinig kung sino ang aking utol, bago siya maging nars, nung naging nars na siya, at kung sino-sinu ang kasama niya sa biyaheng ito!
#IpakilalaMoKungSinoKa